Ang UP National Center for Transportation Studies (NCTS) ay nakikibahagi sa mga aktbidad para sa UP Diliman Women’s Month 2023, na may temang “Sulong Kababaihan!”
Nagsagawa ang NCTS ng interbyu sa mga kababaihang komyuter at inalam ang kanilang regular na pang-araw-araw na gawain na may kaugnayan sa paglalakbay, ang mga hamon na kanilang nararanasan at ang kanilang mga kahilingan para sa pagpapaunlad ng transportasyon at makatulong na maging maginhawa at ligtas ang kanilang paglalakbay.
Apat na kababaihan ang itatampok para selebrasyon. Kasama rito ang isang siklistang nanay, transgender woman, public transport user na nanay, at isang PWD.
Sa unang pagkakataon, itinatampok namin si Ginang Jaramia Amarnani, isang siklistang nanay.
Abangan ang pagtatampok sa NCTS Facebook Page: https://www.facebook.com/upncts
#BuwanNgKababaihan2023
#SulongKababaihan
#WM2023