UP Diliman Pride Month 2023

Ang UP National Center for Transportation Studies (UP NCTS) ay nakikibahagi sa mga aktbidad para sa UP Diliman Pride Month 2023, na may temang “Bahagharing Lumalaban, Kulayan Ang Kalayaan!”

Nagsagawa ang NCTS ng interbyu sa mga kababaihang komyuter at inalam ang kanilang regular na pang-araw-araw na gawain na may kaugnayan sa paglalakbay, ang mga hamon na kanilang nararanasan at ang kanilang mga kahilingan para sa pagpapaunlad ng transportasyon at makatulong na maging maginhawa at ligtas ang kanilang paglalakbay.

Para sa selebrasyong ito, itinatampok namin si Bb. Lance Reblando, na siyang napili namin bilang isang transgender woman na komyuter.

Naniniwala ang NCTS sa pagkakaroon ng Inclusive Transportation, Mobility for All!